photography

“everything you can imagine is real.”

pablo picasso

Photography Works 2020

NOT VISUAL NOISE

ATENEO ART GALLERY / NOV.26,2019 – MARCH 29, 2020

Curated by artist, writer, cultural organizer, and educator, Angel Velasco Shaw, Not Visual Noise is a seminal photography exhibition that will feature more than 30 artists living in the Philippines and in the Filipino diaspora. It aims to showcase a diverse range of artists engaged in photography-based art practices whose works broadly represent what is happening in the fields of photography today — from photojournalism, long-form documentary photography to conceptual and installation photography, and web/social media-based projects. The exhibition examines the tension between high/low culture and high/low art photography in a media-saturated world in the hopes of drawing in wider and newer audiences.

Featured artists in this exhibition are National Artist Benedicto “Bencab” Cabrera, Ezra Acayan, Alex Baluyut, Ringo Bunoan, Nana Buxani, Geloy Concepcion, Geric Cruz, Kiri Dalena, Lizza May David, Neil Daza, Kawayan de Guia, Kidlat de Guia, Romina Diaz, Carlo Gabuco, Tommy Hafalla, Nap Jamir, Raffy Lerma, Marta Lovina, At Maculangan, Wawi Navarroza, Neal Oshima, Gina Osterloh, Butch Perez, Rick Rocamora, Emmanuel Santos, Lawrence Sumulong, Stephanie Syjuco, Wig Tysmans, Veejay Villafranca, Boy Yñiguez, and MM Yu.

WHOEVER SAID THAT ONE SHOOTING DAY IS 24 HOURS? 2019
These photographs were taken from 2005 to 2012 during a period when movie and television workers generally accepted the idea that one shooting day is 24 hours or even 30 hours. I shot them out of boredom and to keep me awake as shooting hours extended to the early morning hours. Although there has been improvements in the industry’s working hours, my perennial question – whoever said that one shooting day is 24 hours? remains relevant and unanswered.

Detail

Press:

Take it, shoot anyway: A review of ‘Not Visual Noise’

https://www.philstar.com/lifestyle/arts-and-culture/2020/01/27/1987948/take-it-shoot-anyway-review-not-visual-noise

‘Not Visual Noise’: Why photography (still) matters

‘Not Visual Noise’: Why photography (still) matters

*****

NIL (1987-2002)

curated by erwin romulo and neil daza

PHOTOGRAPHS BY POLICE BEAT PHOTOGRAPHERS
Artinformal
JUNE 9, 2018

IMAGES FROM THE EXHIBITION CONTAIN GRAPHIC VIOLENT CONTENT. VIEWER DISCRETION IS ADVISED.

NIL

Wala. Pero meron talaga. 

NILalaman ng pagtatanghal na ito ang ilang mga eksena ng kawalan―ng malay, ng katinuan, ng bait, ng karapatan, ng buhay. Nakagugulantang ang mga imahe pero hindi nakagugulat sa karamihan ang ipinapakita. Naging laman ng mga balita, isinuka para sa maralita, habang nagpaparaya ang mga may-kapangyarihang dapat talagang makakita. 

Sa KamayNILaan nakunan o saan man, ang mga litrato rito ay sumasalamin sa realidad na may nagtutunggaling mga panig sa anumang usapin. Sa isang banda, ihahalintulad ng ilan ang mga larawang ito sa basura, na dapat idispatya at huwag nang ilantad kaninuman. Sa kabilang banda, hindi kaunti ang maghahalintulad ng mga ito sa mga bagay na pampagising ng diwa, dala ng pagpupukaw na maaaring maranasan kung pagmasdan at pag-isipan ang makikita rito.

Iba’t ibang buhay man ang panandaliang iNILalahad rito, nagkakaisa ang mga litratong ito sa pagpapakita ng katiwalian. Ngunit sino ang tunay na tiwali? Ang mga nasa larawan? O ang lipunan o sangkatauhan na kaNILang NILalarawan? 

Ang mga tao na makikita―karamihan ay mga DaNILo (hindi tunay na pangalan), may ilang mga BeNILda (hindi tunay na pangalan)―ay NILason ng gutom, hirap, poot, pighati o kaya, oo, maling asal at hindi wastong diwa. NILabas ang anumang armas o nagtangkang tumakas. NILamon ng kabaliwan, kamunduhan, kasakiman, kahirapan. NILusob, ng sarili man o ibang pwersa, ang sana’y mapayapa NILang mga tahanan, barangay o kinatatayuan. NILamas, hindi NILinis, ang pagkatao. NILunok ang dangal, NILamangan ng mga mapang-api, NILapastangan ng mapanghusga, NILoko ng matatakaw na kapwa tao na halimaw ang kalooban. Binalot ng trahedya, sinaksak ng pulitika, NILaglag ng sistema. 

Ang masuwerte sa kanila ay NILalamok, NILalanggam sa selda. Hindi man makapag-NILagang paborito o relyenong gusto, maaari pang magbago, maaari pang lumaya. Ang iba rito ay NILagutan ng hininga, ninakawan ng pag-asa kapalit ng paglaya mula sa pang-habangbuhay na rehas nitong malupit na mundo. 

Ang malungkot pa rito, bagama’t ilang taon na ang nakalilipas nang makuha ang mga larawang ito―noon kapanahunang hindi pa NILalabas ang pinagsanib na kamera at telepono―hindi pa rin nawala sa ating bansa ang ganitong mga eksena. Kung hindi natin papansinin ang mga detalye sa ilalim o paligid ng bawat litrato, iisipin natin na kahapon lang o nung makalawa nakunan ang mga nakalarawan dito. 

Sa pagsulyap sa mga litratong ito, marahil ay mapapatanong tayo: May pag-asa pa ba ang mga Pilipino, lalo na ang kagaya NILa na karamiha’y dukha? May pag-asa pa ba para sa lipunang marahas? May pag-asa pa ba para sa ating iisang bayan na, sa kabila ng lahat, ating sinisinta?

Marahil ang sagot ay oo kung tatanggapin natin, pagniNILay-NILayan at gagawan ng paraan ang katotohanang ito: Sila ay tayo. Tayo ay sila.

BERT SULAT, JR. / 2018

The Red Room

No Such Thing as the Good Old Days by Mike Belardo / The Philippine Star

https://www.philstar.com/lifestyle/supreme/2018/06/16/1824917/no-such-thing-good-old-days